NAPAG-UUSAPANG BAGAY:

Kumakalat ngayon ang isang video sa social media na nakikita dito na may binababang pasyente sa isang ambulance kasama ang isang healthworker na naka-PPE at driver na naka-mask. Ang naturang video ay kuha sa EVRMC Bagacay.

PAHAYAG NG DOH-Eastern Visayas Center for Health Development at EVRMC

Ang naturang video ay kuha sa EVRMC Bagacay at ang pasyenteng ito ay HINDI ang nag positibo sa COVID-19 na nabalita. Samantala, ang healthworker na naka-PPE ay personnel ng EVRMC at ang nakamask ay ambulance driver ng LGU na nagrefer sa pasyente. Dinadala lahat sa EVRMC Magsaysay ang taong maaring mayroon COVID-19 at hindi ito dumadaan o ihinahalo sa iba pang pasyente sa EVRMC Bagacay.