Sa panahon ng COVID-19 pandemia at anu pa mang sakuna, marami pa rin ang mga taong nais maghatid ng tulong kahit sa maliit na paraan katulad ng pagbigay ng donasyon, mga bagay man, mga pagkain o inumin.

Gayunpaman, Pinapaalalahanan ng Department of Health-Eastern Visayas ang ating mga kababayan sa mga magdodonate ng pagkain at inumin Ialo na ang gatas na sundin ang nakasaad sa ating EO 51 o Milk Code of the Philippines, na hindi basta-basta ang magdonate o magbigay ng gatas sa mga apektadong populasyon.

1. Mahigpit na pinagbabawal ng pamahalaan, sa pamamagitan ng DOH, ang pagpapatupad ng No Milk Formula Donation Policy sa panahon ng emergencies at disaster ng mga produktong sakop ng EO 51.

2 Pinagbabawalan din ang lokal na pamahalaan na maghingi at tumanggap ng milk formula products para sa mga batang edad 3 taong gulang pababa mula sa mga kumpanyang gumagawa ng gatas, ganoon din ang mga manggaling sa mga pribadong grupo o indibidwal.

3. Ipinagbabawal din na isama at mamahagi ng anumang infant formula milk at iba pang uri ng gatas para sa mga batang 3 taong gulang pababa sa mga relief goods.

4. Para sa mga pamilyang may mga nanay na nagpapasuso at may sanggol na eksklusibong pinapasuso (0-6 buwan na bata), hindi nirerekomedang bigyan sila ng mga infant milk formula. Bagkus, sila ay dapat bigyan ng tuloy-tuloy na suporta at breastfeeding counseling sa ngayong panahon ng COVID-19.

5. Para sa mga produktong hindi sakop ng ayon sa Section 52 revised IRR ng Milk Code or Executive Order 51 at ng DOH Administrative Order 2007-0017 on foreign or local donations, maaring sumulat sa Department of Health upang mabigyan ng tamang gabay sa planong pagbibigay sa mga pamayanan at nangangailangan ngayong COVID-19 pandemic at anu mang sakuna.

6. Sa mga nais mag-donate ng gatas, hinihikayat na magdonate na lamang ng cash o kaya naman ay magdonate ng pagkain gaya ng bigas, tinapay, itlog, gulay at prutas sa inyong lokal na pamahalaan.

Mahalaga ang pagpapasuso o breastfeeding para sa mga sanggol. Nutrisyon nito ay walang kapantay, kung kaya’t sa panahon na may naka ambang na sakit, mabuting malaman ng ina at ng lokal na pamahalaan kung anong pwedeng gawin.

Ang pagpapasuso o breastfeeding pa rin ang pinakamainam at mabuting paraan upang maging malusog at maging ligtas sa anu mang impeksyon ang ating kabataan.

Image Link: http://ro8.doh.gov.ph/wp-content/uploads/2020/05/98339468_738381006932185_1918595447702683648_o.jpg