Kaligtasan ng mga Siklista:

Ang pagbibisikleta ay bahagi na ng pang-araw-araw na aktibidad ng ilang indibidwal.

Nagsisilbi itong transportasyon ng ilan ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, kasabay rin ang pagdami ng bike enthusiasts.

Para sa Department of Health, malaki ang maitutulong ng pagbibisikleta sa kalusugan ng tao bilang ito ay isa rin sa mga mabisang aerobic exercise upang maiwasan ang heart at lung diseases.

Malaking tulong rin ito para mabawasan ang dami ng mga commuters sa mga pampublikong sasakyan nang sa gayun ay mapanatili ang social distancing.

Kasabay nito ay inirerekomenda ng Department of Health sa mga Local Government Unit ang pagtalaga ng bicycle lane networks upang maging mas ligtas sa daan ang mga siklista.

Pinapa-alalahanan ng DOH ang mga siklista ng kanilang responsibilidad para sa ligtas na paggamit ng kalsada.

Para manatiling ligtas sa daan, maging alerto habang nagbibisiketa – iwasan ang magbisikleta kung nakainom ng alak, pagod o inaantok at iwasan din ang magtext o gumamit ng telepono.

Health Reminders para sa mga siklista:

  • Panatilihin ang physical distancing na at least isang metrong distansya mula sa ibang siklista, at ilan pang gumagamit ng daan.
  • Magsuot ng face mask sa lahat ng oras.
  • Gumamit ng wastong safety gear, tulad ng helmet, closed shoes, at maglagay ng mga reflectors at ilaw.
  • Iwasan ang magbisikleta kapag malakas ang ulan.
  • Regular na i-disinfect ang mga bisikleta.
  • Gumamit ng mga bike at hand signal para sa pakikipag-communicate sa ilang motorista, kapwa siklista at mga pedestrian.
  • Panatilihin ang respiratory etiquette habang nasa daan. Gumamit ng tissue kung uubo at hahatsing, Iwasan ang pagtapon ng gamit nang tissue sa daan.
  • Iwasan ang magsigarilyo sa mga pampublikong lugar at sa mga daan.

Iwas COVID-19 ngayong Kapaskuhan:

Ang panahon ng kapaskuhan sa Pilipinas ay nangangahulugan ng malaking pagtitipon ng magpapamilya at magkakaibigan kung saan nagkakaroon ng mga salo-salo. Ito rin ang panahon ng pagbiyahe ng ilan.

Pero, dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ang mga ito ay hindi na muna inirerekomenda ng Department of Health dahil sa mataas na tsansa ng pagkahawaan ng virus.

Mas paiigtingin ng DOH ang pagpapatupad sa minimum public health standards upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Upang maiwasan ang karagdagang kaso ng COVID-19, mahalagang ipatupad ang mga risk-mitigation measures.

Una na rito ang paglimita sa dami ng tao sa mga pagtitipon at mga aktibidad, at iwasan na rin muna ang mga pagbiyahe.

Ipinalabas ng DOH ang department circular kung saan nakapaloob ang mga risk level at ang mga gawain na maaring isagawa ngayong kapaskuhan bilang paalala sa publiko para ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards.

Religious Activities and Services (e.g. Simbang gabi)

Low RiskModerate RiskHigh Risk
Attending online massesOutdoor, small group gatherings where physical distancing is observed, and is guided by the restriction on mass gatheringsAttending in-person religious activities held indoor, enclosed spaces with the number of participants exceeding that of the recommended limit
  Activities that involve risky actions such as singing, shouting, and forms of physical contact

Activities and family gatherings during Christmas and New Year:

Low RiskModerate RiskHigh Risk
Dinner with family and friends living in same householdOutdoor, small group gatherings where physical distancing is observed, and is guided by the restriction on mass gatheringsShopping in crowded markets, tiangges, Christmas bazaars and shopping malls
Virtual gathering with family and friends not living in the same household Indoor gathering of a large group of people
Online shopping for holiday presents Gatherings involving risky actions such as singing, shouting, dancing, and the like

COVID-19 Cases Update:

Sa pinakabagong update ng Department of Health, 56 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Eastern Visayas as of Novermber 25, 2020.

Sa pangkabuuan, umabot na sa 8, 371 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon at umabot naman sa 7, 727 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Umabot na rin sa bilang na sa bilang na 84 ang bilang ng namatay sa rehiyon dahil sa COVID-19.

Patuloy na panawagan ng ahensya sa publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa ating minimum health standards, ang pagsunod sa ating BIDA SOLUSYON sa COVID-19. Ugaliin ang paghugas ng kamay, panatiliin ang isang metrong distansiya sa bahay man o pampublikong lugar, at palaging isout ang face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay, at mahalagang alamin ang tamang impormasyon ukol sa pagsugpo sa COVID-19.#