Kaligtasan sa Daan

Ang pagbibisikleta ay bahagi na ng pang-araw-araw na aktibidad ng ilang indibidwal.

Nagsisilbi itong transportasyon ng ilan ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19,

Para sa Department of Health, malaki ang maitutulong ng pagbibisikleta sa kalusugan ng tao bilang ito ay isa rin sa mga mabisang aerobic exercise upang maiwasan ang heart at lung diseases.

Malaking tulong rin ito para mabawasan ang dami ng mga commuters sa mga pampublikong sasakyan nang sa gayun ay mapanatili ang social distancing.

Upang maging ligtas sa daan ang mga siklista ay inirerekomenda ng Department of Health sa mga Local Government Unit ang pagtalaga ng bicycle lane networks.

Pinapa-alalahanan ng DOH ang mga siklista ng kanilang responsibilidad para sa ligtas na paggamit ng kalsada, maging alerto habang nagbibisiketa – iwasan ang magbisikleta kung nakainom ng alak, pagod o inaantok at iwasan din ang magtext o gumamit ng telepono.

Ligtas COVID-19 Sa Kapaskuhan:

Tuwing panahon ng kapaskuhan sa Pilipinas, naka-ugalian na ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga malalaking pagtitipon ng magpapamilya at magkakaibigan kung saan nagkakaroon ng mga salo-salo. Ito rin ang panahon ng pagbiyahe ng ilan.

Pero, dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, patuloy an pagpapatupad ng minimum public health standards.

Ilan sa information drive na isinusulong ng DOH ay ang “Keri o Skeri” na kaakibat ng ating BIDA Solusyon sa COVID-19 campaign upang magabayan ang mamamayan tungo sa ligtas na pagdiriwang ng kapaskuhan o holiday season.

Ang Keri ay mga aktibidad na malayo sa banta ng COVID-19, samantalang SKERI naman ang mga aktibidad na delikado at malapit sa peligro ng COVID-19.

Narito ang mga Gawain na dapat nating isa-alang-alang:

Una, ang dami ng tao – Kakaunti lang ba ang tao sa gagawing aktibidad?

Pangalawa, Kumpulan ng tao – Kaya bang dumistansiya ng isang metro mula sa ibang tao?

Pangatlo, Tagal ng Gawain – Mas mababa bas a 15 minuto ang haba ng aktibidad?

Pang-apat, Kapaligiran – May maayos bang daloy ng hangin sa lugar ng aktibidad?

Pang lima, Mga Kilos – Wala o kaunti lamang ba ang pagsasalita, pagsigaw, o pagkantang gagawin sa nasabing aktibidad?

At Pang-anim, PPE – Nakasuot ba ng face mask at shield ang mga taong kasama sa aktibidad?

Ipinalabas din ng DOH ang department circular kung saan nakapaloob ang mga risk level at ang mga gawain na maaring isagawa ngayong kapaskuhan bilang paalala sa publiko para ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards.

Religious Activities and Services (e.g. Simbang gabi)

Low RiskModerate RiskHigh Risk
Attending online massesOutdoor, small group gatherings where physical distancing is observed, and is guided by the restriction on mass gatheringsAttending in-person religious activities held indoor, enclosed spaces with the number of participants exceeding that of the recommended limit
  Activities that involve risky actions such as singing, shouting, and forms of physical contact

Activities and family gatherings during Christmas and New Year:

Low RiskModerate RiskHigh Risk
Dinner with family and friends living in same householdOutdoor, small group gatherings where physical distancing is observed, and is guided by the restriction on mass gatheringsShopping in crowded markets, tiangges, Christmas bazaars and shopping malls
Virtual gathering with family and friends not living in the same household Indoor gathering of a large group of people
Online shopping for holiday presents Gatherings involving risky actions such as singing, shouting, dancing, and the like

COVID-19 Cases Update:

Sa pinakabagong update ng Department of Health, 47 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Eastern Visayas as of December 1, 2020.

Sa pangkabuuan, umabot na sa 8,783 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon at umabot naman sa 8,173 (93.05%) ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Umabot na rin sa bilang na sa bilang na 92 (1.04%) ang bilang ng namatay sa rehiyon dahil sa COVID-19.

Simula naman sa Lunes, December 7, 2020, ang ating naka-ugaliang COVID-19 Updates gabi-gabi, ay maipo-post na tuwing umaga.

Patuloy na panawagan ng ahensya sa publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa ating minimum health standards, ang pagsunod sa ating BIDA SOLUSYON sa COVID-19. Ugaliin ang paghugas ng kamay, panatiliin ang isang metrong distansiya sa bahay man o pampublikong lugar, at palaging isout ang face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay, at mahalagang alamin ang tamang impormasyon ukol sa pagsugpo sa COVID-19.#