Patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.

May ilang paalala ang DOH sa publiko na sasakay sa mga pampublikong sasakyan upang maging ligtas laban sa COVID-19.

7 Commandments of Public Transport:

1.Tamang pagsout ng face mask

2. Tamang pagsout ng face shield

3. Pag-iwas sa pagsasalita, at pagbabawal kumain

4. Sapat na ventilation

5. Palagiangpag-sanitize o paggamit ng alcohol sa mga kamay

6. Bawal ang mga may sintomas

7. Pagdistansiya

Nais na masiguro ng Department of Health na sa pagpapatupad ng minimum public health standards ay magiging ligtas ang pasko at bagong taon para sa lahat.

Payo ng DOH sa publiko na iwasan ang ilang aktibidad na mataas ang kadelikaduhan sa posibilidad na pagkahawa o pagkalat ng COVID-19, kasama na rito ang karaoke na paboritong aktibidad ng mga Pilipino tuwing may selebrasyon at pagsasalo-salo.

Paalala ng DOH, may mga respiratory droplets na nae-emit kapag tayo ay nagsasalita, at mas marami ito kung tayo ay kumakanta o sumisigaw.

Nais na masiguro ng Department of Health na sa pagpapatupad ng minimum public health standards ay magiging ligtas ang pasko at bagong taon para sa lahat.

May mga information drive ang DOH upang ipaalala ang kahalagahan ng pagpapanatiling kaligtasan at magandang kalusugan.

Ilulunsad ng Department of Health ang Iwas Paputok Campaign upang ipaalala ang mga panganib na dala ng mga paputok. Sa ating pagdiriwang ngayong Disyembre, layunin natin ang kumpletong kaligtasan mula sa anumang sakuna at peligro.

Wala nang holiday season ang mas sasaya pa kung malusog at ligtas ang boung pamilya. Basta’t may pag-iingat, tuloy ang Pasko at Bagong Taon!.

Samantala, sa pinakabagong update, tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas. May 86 bagong kaso na naitala sa Eastern Visayas as of December 8, 2020 kung saan umabot na sa bilang na 9, 123 ang pangkabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa bilang na ito, 94.16% ang dami ng mga gumaling o naka-recover sa sakit na nasa bilang na 8,590.

Ang bilang ng active cases ngayon ay nasa 435 pa.

Dahil dito, patuloy ang paalala ng Department of Health sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standards laban sa COVID-19.

Maging BIDA Bastonero by informing, reminding, correcting, and appreciating BIDA Solusyon to ensure public, adherence to the minimum public health standards.

Sa pagsunod dito siguradong magkakaroon tayo ng ligtas na pag-angat patungo sa #HealthyPilipinas!.