October 7, 2020

UPDATE ON EASTERN VISAYAS HEALTH SITUATION RE: COVID-19

Ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health- Eastern Visayas dito sa Rehiyon 8 ay umabot na ng 5,053, kung saan ang recoveries ay umabot na ng 4,404 (87.16%).  At sa ngayon mayroon ng 50 (0.99%) deaths ang naitala. Kung titingnan ang mga datos, nasa 599 (11.85%) na lamang ang mga aktibong kaso na pawang naka- isolate sa mga Community Isolation Units o sa mga Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) samantalang ang iilan naman sa kanila ay kasalukuyang naka-admit sa mga hospitals.

For the past week (September 30 to October 6), ang naitalang mga panibagong kaso ng COVID-19 ay umabot ng 369 out of 5,690 laboratory samples tested in the two (2) laboratories in the region (3,979 samples were tested at the EVRCTC and 1,711 in the DWHVL). Ito ay mas mababa kumpara sa naunang week (September 23 to September 29) na mayroong 421 cases out of 5,460 laboratory samples tested.

The total COVID-19 cases of Region 8 as of 9:00 AM, October 7, 2020 are distributed to different provinces, cities, and categories as follows:

Province/ CityTotal CasesPercentageNo. of Recoveries
Samar1,81435.90%1,522
Leyte1,67033.05%1,439
Tacloban City81216.07%731
Southern Leyte3116.15%281
Northern Samar1543.05%151
Ormoc City1302.57%125
Biliran1082.14%103
Eastern Samar541.07%52
CategoryTotal CasesPercentageNo. of Recoveries
Local Cases3,228 HCW (433)63.88% (13.41%)2,659 (411)
Locally Stranded Individuals (LSIs)1,72934.22%1,654
Returning Overseas Filipinos (ROFs)931.84%88  
Balik Probinsya Program (BPP) Beneficiaries30.06%3

Sa kabuuang kaso, 3,971 (78.59%) naman ay asymptomatic, 1,027 (20.32%) ay with mild symptoms, 28 (0.55%) ay severe cases at 27 (0.53%) ang nasa kritikal na kundisyon. Ang 287 cases (5.68%) dito ay hospitalized.  Sa total cases, 2,630 ay mga lalaki at 2,423 dito ang mga babae.

Ang total COVID-19 deaths ng Region 8 ay umabot na ng 50 with a Case Fatality Rate of 0.99%. For the past week, walo (8) ang naidagdag at ito ay ang mga sumusunod:

EV CodeAge/GenderCity/MunicipalityDate of Death
EV-387236/MMapanas, Northern Samar9/30/2020
EV-411875/MLa Paz, Leyte9/30/2020
EV-458967/FTacloban City9/30/2020
EV-474678/FPalo, Leyte 9/30/20
EV-488382/FTacloban City10/2/2020
EV-470279/MCalbayog City10/2/2020
EV-419575/FTanauan, Leyte10/5/2020
EV-376190/FTacloban City10/5/20

Taos puso ang ating pakikiramay sa mga nawalan ng kanilang mahal sa buhay.

Samantala, ang mga sumusunod ay listahan ng mga barangays in Eastern Visayas with Clustering of Cases. Sila ay matatawag na hotspots dahil mayroong naitalang 3 or more cases for the last 2 morbidity weeks.

  1. Brgy. Santa Rosa, Barugo, Leyte
  2. Brgy. Cahindoc, Palo, Leyte
  3. Brgy. Lim-ao, Kananga, Leyte
  4. Brgy. Carmen, Calbayog City
  5. Brgy. Balud (Pob.), Calbayog City
  6. Brgy. Aguit-itan (Pob.), Calbayog City
  7. Brgy. Dagum, Calbayog City
  8. Brgy. Capoocan, Calbayog City
  9. Brgy. San Policarpio, Calbayog City
  10. Brgy. Rawis, Calbayog City
  11. Brgy. Obrero, Calbayog City
  12. Brgy. Awang West (Pob.), Calbayog City
  13. Brgy. Munoz (Poblacion 14), Catbalogan City
  14. Brgy. Canlapwas (Pob.), Catbalogan City
  15. Brgy. Maulong, Catbalogan City
  16. Brgy. Pupua, Catbalogan City
  17. Brgy. Poblacion, Liloan, Southern Leyte
  18. Brgy. 63, Tacloban City

Habang tinutugunan natin ang pandemyang ito, naging susi ang patuloy na pagresponde ng ating bansa upang mas makilala, mas maisulong, at mas palawakin ang mga bentahe ng ating mga programa ayon sa provisions ng ating Universal Health Care (UHC) Law. Tayo ay mag shi-shift patungo sa isang primary care-oriented integrated network of delivery ng ating mga healthcare services sa buong bansa. Nariyan ang COVID-19 Packages na covered ng PhilHealth, sapat at accessible na mga healthcare services tulad ng konsultasyon, bakuna, at iba pa, at ang One Hospital Command kung saan nakabuo ang local units ng mas sistematiko at maasahang health reponse dahil integrated ang mga ito.

Kasangga natin ang Universal Health Care at mga taga pagpatupad nito upang mas mapaghandaan at malabanan ang kahit naanong sakuna sa kalusugan.

Magiging mas epektibo ang ating laban kung ang bawat isa sa atin ay ginagampanan ang mahalagang papel sa pagsugpo ng pandemyang ito. Palagi nating i-practice ang mga mensaheng hatid ng ating BIDA Solusyon sa COVID-19. Maging BIDA Bastonero tayo sa bawat isa para maipa-alam ang mga impormasyon hatid ng BIDA; mapa-alalahanan at maituwid ang ugali ng bawat isa sa striktong pagsunod ng new normal, at maipakita ang pagpapahalaga sa mga good practices ng mga sumusunod sa ating BIDA Solusyon Campaign.

Sa kasalukuyang sitwasyon, marami sa atin ang nakakaramdam ng stress, pagkairita, guilt, pagkabalisa at pagod dala ng krisis. Normal lang po ang ating nararamdaman. Hindi ito tanda ng kahinaan o pagkabigo. Huwag nating i-isolate ang sarili! Makipag-usap sa pamamagitan ng chat o video call sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay tungkol sa iyong nararamdaman. Ang iyong pamilya o kaibigan ay nandyan lang para ipakita sayo ang suporta at pang-unawa. Ang pagiging malapit sa mga mahal sa buhay ay susi para sa masayang pamumuhay. Bigyan mo din ang iyong sarili ng “me-time”. Mag-relax at magpahinga kung nakakaramdam ng stress. Pangalagaan ang kalusugan ng ating kaisipan at ng ating mga mahal sa buhay. Maging thankful sa blessings at sa ating Panginoon. Maging positibo at tuloy lang ang buhay!

Maari ding makipag-ugnayan sa mga mental health professionals o tumawag sa DOH EV CHD Helplines: Smart 0947 423 8423/ Globe 0966 531 6464. Huwag mag-alinlangan humingi ng tulong kung nakakaramdam ka ng anxiety. I-share mo lang ang iyong nararamdaman. Ang aming helplines ay bukas mula Lunes hanggang Byernes, from 8:00AM to 5PM.

Laging tandaan, BIDA ang iyong kalusugan at kaligtasan! Kaya always BIDA Solusyon sa COVID-19!