Patuloy na nadadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Natala ng Department of Health-Eastern Visayas ang 61 panibagong kaso ng COVID-19 as of November 4, 2020. Ito ay mababa ng ng 86% kumpara sa naunang linggo na mayroong 396 cases.

Sa kabuuan, umabot na sa 6, 889 ang kaso ng COVID-19 sa boung rehiyon kung saan 444 ang active cases. Sa bilang na ito, 84.46% ay asymptomatic at 14.86% naman ang mild cases.

Sa bagong tala, 416 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling o naka-recover sa COVID-19, katumbas ito ng 92.59 percent sa bilang ng mga kaso. Sa kabuuan, umabot na sa 6, 379 ang bilang ng mga gumaling.

COVID-19 cases in Eastern Visayas as per distributed to different provinces, cities, and categories as follows:

AreaCasesRecoveries
Biliran109106
Eastern Samar11374
Leyte21051981
Northern Samar717566
Samar22752158
Southern Leyte479476
Ormoc City146135
Tacloban City945883
Total68896379
Type of ProgramNo. Of casesNo. Of recoveries
LOCAL4902 (580 HCWs)4447 (561 HCWs)
LSI18861837
OFW9892
BPP33
Total68896379

Anim ang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa Eastern Visayas dahil sa COVID-19. Ang pangkabuu-ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 ay umabot na ng 66 na may case fatality rate ng 0.96%.

EV CodeAge/GenderCity/MunicipalityDate of Death
EV 641267/MCatarman, Northern Samar10/27/2020
EV 641657/FLas Navas, Northern Samar10/29/2020
EV 619651/MKananga, Leyte10/31/2020
EV 676860/MCalbayog City, Samar10/31/2020
EV 643767/MSan Jose, Northern Samar11/2/2020
EV 641868/FLas Navas, Northern Samar10/31/2020

Samantala,layunin ng Department of Health na maging mas sistematiko at maayos ang referral system ng mga COVID-19 cases at maging ng mga emergency non-covid-19 cases sa mga ospital.

Kaya naman, nabuo ang One Hospital Command Center (OHCC) kung saan inaasahan na magiging mas mabilis ang referral system at ang paghahatid ng wastong kalinga at paggamot sa mga suspected, confirmed at probable COVID-19 case.

Sa ilalim ng OHCC, ire-refer ang mga pasyente sa ospital kung saan sila nararapat depende sa kanilang kaso o sakit upang agad mabigyan ng atensyon medikal. Sa ganitong paraan, mababawasan ang oras ng kanilang pag-aantay sa ospital.

Patuloy ang pagtuklas ng mga posibleng lunas at gamot upang labanan ang COVID-19, ang mga ito ay kinakailangang dumaan sa masusing technical evaluation and regulatory processes upang masigurong ito ay ligtas, de-kalidad at epektibo base sa mga health standards.

Samantala, sa gitna ng pandemya unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya ng bansa habang patuloy na sinusunod ang health standards.

Bilang gabay patungo sa pagbangon ng ekonomiya, mayroon nang unified strategy map ang bawat Inter-Agency Task Force.

Palala ng ahensya sa publiko na maging maingat at may alam sa kung ano ang risk levels ng mga sumusunod na Gawain:

High RiskModerate RiskLow Risk
• Pagbyahe via eroplano at barko lalo na pag matagalan ang biyahe

• Pagpunta sa mga mass gatherings at public places (eg. mall, hotel, amusement, parks, concerts, etc)

• Pagpunta sa mga gym

• Pagsali sa mga sports (eg. contact sports o team sports)

• Pagkain sa buffet o mga restaurant nang walang physical distancing

• Pagpunta sa choir practices
• Pagcommute nang walang physical distancing

• Pagkain sa outdoor restaurants

• Pagpagupit sa mga salons o barbershops

• Pagpunta sa church masses

• Grocery shopping

• Paglangoy
• Telemedicine

• Active transportation at pagcocommute nang walang physical distancing

• Paglalakad

• Pagbibisekleta

• Pagpapadeliver o pagtake-out ng pagkain

• Pag-attend sa online masses

Kasabay nito ang panawagan ng ahensya sa publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa ating minimum health standards, ang pagsunod sa ating BIDA SOLUSYON sa COVID-19.

Tandaan, we can BIDA Solusyon! Napaka-simple ng ating BIDA Solusyon strategies, ngunit napakalaki po ng maitutulong nito sa ating laban kontra COVID-19. Ugaliing maghugas ngkamay na hindi bababa sa dalawampung segundo, panatiliin ang isang metrong distansya sa bahay man o pampublikong lugar, palagiang pagsout ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay, at alamin ang tamang impormasyon ukol sa pagsugpo sa COVID-19.

At maging BIDA Bastonero by informing, reminding, correcting, and appreciating to ensure public, adherence to the minimum public health standards. Sa pagsunod dito siguradong magkakaroon tayo ng ligtas na pag-angat patungo sa #HealthyPilipinas!