September 23, 2020

Kagabi, ang naiulat na kabuuang kaso ng COVID-19 dito sa Rehiyon 8 ay umabot na ng 4,263 kung saan ang naitalang recoveries ay 3,690 (86.56%).  At sa ngayon mayroon nang 41 (0.96%) deaths na naitala. Kung susumahin, nasa 532 (12.48%) na lamang ang mga aktibong kaso na pawang naka- isolate sa mga Community Isolation Units o sa mga Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) samantalang ang iilan naman na may mga comorbidities ay kasalukuyang naka-admit sa hospitals.

For the past week (September 16 to September 22), ang naitalang mga panibagong kaso ng COVID-19 ay umabot ng 378 out of 4,796 laboratory samples tested in the two (2) laboratories in the region (3,262 samples were tested at the EVRCTC and 1,534 in the DWHVL). Ito ay mas mababa kumpara sa naunang week na mayroong 382 cases out of 5,895 laboratory samples tested.

The total COVID-19 cases of Region 8 as of September 22, 2020 are distributed as follows:

Province/ CityTotal CasesPercentage
Samar1,46434.34%
Leyte1,37332.21%
Tacloban City71516.77%
Southern Leyte2806.57%
Northern Samar1483.47%
Ormoc City1252.93%
Biliran1052.46%
Eastern Samar531.24%
CategoryTotal CasesPercentage
Local Cases2,535 393 (HCW)59.47% 15.50%
Locally Stranded Individuals (LSIs)1,63738.40%
Returning Overseas Filipinos (ROFs)882.06%
Balik Probinsya Program (BPP) Beneficiaries30.07%

Sa kabuuang kaso, 3,342 naman (78.40%) ay asymptomatic, 875 (20.53%) ay with mild symptoms, 21 (0.49%) ay severe cases at 25 (0.59%) ang nasa kritikal na kundisyon. Ang 253 cases (5.93%) dito ay hospitalized.

Samantala, for the past week, isa (1) ang nadagdag na namatay dahil sa COVID-19. Ito ay si EV-3895, isang 55-anyos na lalaki from Tacloban City na namatay noong September 16, 2020. Ang total COVID-19 deaths ng Region 8 ay umabot na ng 41 with a Case Fatality Rate (CFR) of 0.96%.

At this point, gusto naming ipaalam sa publiko, na simula mamayang gabi, ang nakasanayang Just In regarding COVID-19 results ay mag-iiba na ng anyo following the national prescribed reporting format. Ang ipapalabas na result ng DOH- EV CHD ay in summary per provinces and Cities/municipalities na lamang. Ang concerned LGU ang siyang magbibigay ng specific details ng results ng kanilang nasasakupan.

With regards sa clinical trials for COVID-19 medicine and vaccine, ang DOH ay patuloy na nakikipagtulungan sa mga international and national partners hinggil dito katulad ng Solidarity Treatment Trials ng World Health Organization (WHO)  at ng local treatment trials.

At sa tulong ng Sub-Technical Working Group on Vaccine Development, headed by the Department of Science and Technology, makakasigurado tayo na makakasama sa iba’t- ibang activities at initiative upang makapagdevelop at maka- avail ng vaccine para sa COVID-19.

Ang patuloy na pagsisikap at pinagsamang action katuwang ang mga international at national Public and Private partners para sa pagsasagawa ng mga clinical trials for medicines and vaccines laban sa COVID-19, at patuloy na pagpapalawig at pagpapatibay ng health system capacity sa buong bansa ay makakatulong para manalo tayo sa laban na ito.

While the cure and vaccine are on the way, we can win this fight being the BIDA in our community. In Filipino, “bida” represents someone who takes the lead, steps up, and becomes the hero in crucial situations. BIDA Solusyon sa COVID-19 seeks to remind every Filipinos that setting proper examples of maintaining hygiene and sanitation in one’s community and one’s home through informed and disciplined practices would greatly contribute to the fight against the pandemic.


To promote these, we highlight four key preventive behaviours summarized into 4 letters, the B-I-D-A which stands for B-Bawal walang mask (not wearing mask is prohibited, and mask should be worn properly), I-Isanitize ang mga kamay, iwas-hawak sa mga bagay (sanitize your hands and avoid touching things or wash hands with soap and water for 20 seconds), D-Dumistansya ng isang metro (practice social distancing and always stand one meter away at kung walang importanteng lakad better stay at home), A-Alamin ang totoong impormasyon (Get your news only from reliable sources).

To ensure public adherence to the minimum public health standards, ang lahat ay inaanyayahang maging BIDA Bastenero. Ito ay ang pagbibigay-alam, pag-papaalala, pagtutuwid, at pagpapahalaga sa mga tao ng tamang gawi para mapabagal ang pagdami pa ng mga COVID-19 cases sa rehiyon.

Importante ding pangalagaan ang ating Mental Health. For the last six months, naging mahirap karamihan sa atin ang sitwasyong dala ng pandemya. Base sa datos, ang total calls and texts na natanggap ng mental health help lines ng DOH- EV CHD mula April hanggang sa kasalukuyan, ay umabot ng 89. At ang common concerns na idinadaing ay tungkol sa naramdamang anxiety, depression, panic attack, difficulty in sleeping dulot ng pandemyang ito at mga katanungan tungkol sa pag-quarantine.

Normal lang na makaramdam ng lungkot, takot, at pagkabahala. Okey lang na hindi okey. Isipin mong hindi ka nag-iisa at may mga taong naandiyan para suportahan ka. Tumawag sa mga kaibigan o kamag-anak kung kinakailangan. Gumawa ng mga bagay na nagpapasaya at nagpapa-relax sa iyo para maibsan ang nararamdaman. At manatiling puno ng pag-asa. Mas mabuting kumapit sa pag-asa kaysa sa takot. Magtiwala sa Diyos na bukas, may magbabago.

Kung kinakailangang kumausap ng isang propesyonal tungkol sa nararamdamang confusion at depression, tawagan lamang ang DOH EV CHD Helplines: Smart 0947 423 8423/ Globe 0966 531 6464. Ang helplines ay bukas mula Lunes hanggang Byernes, 8:00AM to 5PM.

Mahalagang pangalagaan ang kalusugan ng ating kaisipan at ng ating mga mahal sa buhay lalong- lalo na sa panahon ngayon. Tandaan, there is no health without mental health.

Magtulungan tayo para ikabubuti ng lahat. Together, WE Heal AS ONE!