UPDATE ON EASTERN VISAYAS HEALTH SITUATION:

Muling nadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

As of November 17, nadagdag ang 99 bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa talang ito, nananatiling Eastern Samar ang may pinakamataas na bilang ng karagdagang kaso na umabot sa 42 bilang.

Sa linggong ito, 524 ang kaso ng COVID-19 na naitala sa Eastern Visayas, mas mataas ito kumpara noong nakaraang linggo na mayroong 482 kaso lamang.

Nangunguna pa rin sa pinakamaraming kaso ay mga Locally Acquired na nasa bilang na 5, 963 o katumbas ng 74.39% sa kabuuang bilang.

Sa kabuuan, 8, 017 na ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon, at nasa 7, 296 na ang gumaling sa sakit, umabot naman sa 78 ang bilang ng namatay dahil sa COVID-19.

Ang mga sumusunod ay ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas:

Type of ProgramNo. Of casesNo. Of recoveries
LOCAL5963 (HCWs – 647)5288 (HCWs-623)
LSI19481903
OFW103102
BPP33
Total80177296
No. Of cases per area
AreaCasesRecoveries
Biliran114109
Eastern Samar384216
Leyte23642217
Northern Samar1010809
Samar24682337
Southern Leyte490483
Ormoc City169161
Tacloban City1018964
Total80177296

Ang attack rate ng COVID-19 sa Eastern Visayas ay nasa 0.75 percent, ibig sabihin, nasa low risk category pa rin ito.

Kung titingnan ang attack rate ng bawat probinsya, ang Biliran ay may 0.12 percent na attack rate. Sa Eastern Samar, 1.77 percent ang attack rate. Ang probinsya ng Leyte ay may 0.57 percent na attack rate. Ang Northern Samar ay nasa 1.05 percent naman ang attack rate. Ang attack rate naman ng probinsya ng Samar ay nasa 0.85 percent, at nasa 0.07 percent ang probinsya ng Southern Leyte.

Samantala, patuloy ang pagpapaigting ng ating Health Systems Capacity sa kabila ng pandemya upang masiguro na magpatuloy at walang patid ang ating responde at tulong pangkalusugan sa sambayanang Pilipino.

Nakasentro ang ating National Action Plan patungo sa “new normal”.  Sa ating patuloy na pagbangon sa aspeto ng pangkalusugan at ekonomiya, patungo na tayo sa risk mitigation mula sa risk avoidance.

Kasama rito ang patuloy na papapatupad ng community quarantine restrictions sa mga piling lugar sa bansa at ang pagpaigting ng minimum public health standards, maging sa kahit anong kalamidad ang dumating.

Sa paparating na kapaskuhan, patuloy nating sundin ang minimum public health standards sa anumang aktibidad, lalo na sa mga lugar na maituturing pa rin na high risk sa COVID-19.

Pinapag-ingat din ang komunidad laban sa mga pangkaraniwang sakit sa panahon ng tag-ulan tulad ng dengue, water-borne diseases, influenza at iba pa.

Bilang bahagi nito ay inaanyayahan ang mga Local Government Units na magtalaga ng health and safety officer na siyang mangunguna sa mga adbokasiya hindi lamang upang tugunan ang COVID-19 kundi maging sa mga pangkaraniwang sakit.

Kasabay nito ang panawagan ng ahensya sa publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa ating minimum health standards, ang pagsunod sa ating BIDA SOLUSYON sa COVID-19.

Ugaliin ang paghugas ng kamay, panatiliin ang isang metrong distansiya sa bahay man o pampubliking lugar, at palaging isout ang face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay, at mahalagang alamin ang tamang impormasyon ukol sa pagsugpo sa COVID-19.

Maging BIDA Bastonero by informing, reminding, correcting, and appreciating BIDA Solusyon to ensure public, adherence to the minimum public health standards. Sa pagsunod dito siguradong magkakaroon tayo ng ligtas na pag-angat patungo sa #HealthyPilipinas!.