Muling naitala ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health-Eastern Visayas, may 129 panibagong kaso ng COVID-19 as of November 11, ,2020. Sa bilang na ito, pinakamataas na bilang ang naitala sa probinsya ng Eastern Samar na umabot sa 75 na bagong kaso, o katumbas ng 58.13 porshento sa kabuuang bilang ng bagong kaso.

Sa kabuuan, umabot na sa 7,494 ang kaso ng COVID-19 sa boung rehiyon kung saan 543 ang active cases. Sa bilang na ito, 84.90% ay asymptomatic at 15.10% naman ang mild cases.

Sa bagong tala, 62 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling o naka-recover sa COVID-19. Sa kabuuan, umabot na sa 6, 879 ang bilang ng mga gumaling o katumbas ng 92% sa bilang ng kaso.

Ang sumusunod ay ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat probinsya, syudad ng Eastern Visayas:

AreaCasesRecoveries
Biliran111107
Eastern Samar252136
Leyte22452095
Northern Samar876753
Samar23832240
Southern Leyte485477
Ormoc City160146
Tacloban City982926
Total74946880
Type of ProgramNo. Of casesNo. Of recoveries
LOCAL5476 (73.07%) (HCWs – 625)4906 (HCWs – 593)
LSI1914  (25.54%)1874
OFW101 (1.34%)97
BPP3 (0.04%)3
Total74946880

Umakyat na sa bilang na 72 ang mga namatay sa Eastern Visayas dahil sa COVID-19, katumbas ito ng 0.96 porshento na case fatality ratio.

Ang probinsya ng Samar ang may pinakamataas na bilang ng namatay na mayroong 21 bilang o 29.16% ng bilang.

Sa tala ng DOH, ang mga namatay ay nag-eedad sa 60 hanggang 69 at majority o karamihan sa mga namatay ay kalalakihan na may bilang na 41 o katumbas ng 56.94 porshento.

Patuloy pa rin ang pagtuklas ng mga posibleng lunas at gamot upang labanan ang COVID-19, kung saan may mga COVID-19 vaccine trials nang isinasagawa para sa masusing pag-aaral.

Dahil mahalaga ang kaligtasan ng publiko, ang mga potential health treatments ay kinakailangang dumaan sa masusing technical evaluation and regulatory processes upang masiguro na ito ay ligtas, de-kalidad at epektibo base sa mga health standards.

Sa pagtatalaga ng bagong vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez Jr., inaasahang ang proseso at mandato para sa pagbili at pamimigay ng bakuna kontra COVID-19 ay mapapabilis.

Kaagapay ng DOH ang national government at mga Local Government Units para sa mga inisyatibo sa paggabay sa publiko kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya na naaayon pa rin sa ipinapatupad na minimum public health standards.

Kasabay nito ay ipinalabas ng DOH ang Department Circular 2020-0355 upang maging gabay sa pagsunod sa minimum public health standards para sa darating na holidays at mga selebrasyon.

Layunin na iparating sa publiko na kahit sa gitna ng ating mga preparasyon para sa mga pagdiriwang at pagtitipon sa susunod na mga buwan,naroroon pa rin ang banta ng COVID-19, kaya’t huwag nating kalimutang maging maingat at alamin ang risk levels ng mga susunod na Gawain.

High RiskModerate RiskLow Risk
Mga pagtitipon at party sa indoor setting ●    Pagdalo sa indoor in-person activities (e.g. religious activities, family gatherings) ●    Pamimili sa loob ng masisikip na pamilihan o tianggeMga maliliit na pagtitipon sa labas ng mga gusali, alinsunod sa physical distancing and mass gathering guidelinesPagdalo sa mga online activities (e.g. masses, virtual gatherings) ●    Online shopping ●    Gatherings of people currently in one household  

Habang papalapit ang kapaskuhan, panawagan ng DOH sa publiko na limitahan na muna ang dami ng tao sa mga pagtitipon o mga social gathering at mga aktibidad, kung maari ay para na lamang muna sa mga kasama sa bahay. Iwasan na rin muna ang mga aktibidad na kailangang bumiyahe sa mga lugar na may mataas na quarantine classification.

Samantala, simula ngayong gabi ay magkakaroon ng panibagong format ang Kagawran ng Pangkalusugan ukol sa pagpapalabas ng mga bagong impormasyon tungkol sa mga bagong kaso ng ng COVID-19.

Patuloy na panawagan ng ahensya sa publiko na maging maingat at patuloy na sumunod sa ating minimum health standards, ang pagsunod sa ating BIDA SOLUSYON sa COVID-19.

Tandaan, we can BIDA Solusyon! Napaka-simple ng ating BIDA Solusyon strategies, ngunit napakalaki po ng maitutulong nito sa ating laban kontra COVID-19. Ugaliing maghugas ngkamay na hindi bababa sa dalawampung segundo, panatiliin ang isang metrong distansya sa bahay man o pampublikong lugar, palagiang pagsout ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay, at alamin ang tamang impormasyon ukol sa pagsugpo sa COVID-19.

At maging BIDA Bastonero by informing, reminding, correcting, and appreciating BIDA Solusyon to ensure public, adherence to the minimum public health standards.

Sa pagsunod dito siguradong magkakaroon tayo ng ligtas na pag-angat patungo sa #HealthyPilipinas!