October 14, 2020

Ang Department of Health ay nagtala kagabi ng 173 na panibagong kaso ng COVID-19 galing sa dalawang COVID-19 laboratories dito sa Eastern Visayas.  Ang mga ito ay galing sa ibat-ibang lugar dito sa rehiyon at 60% dito ay galing  sa Northern Samar. Ang kabuuang kaso ng COVID-19 dito sa ating rehiyon ay umabot na ng 5,493 at ang ating naitalang recoveries sa ngayon ay umabot na ng 4,778 (86.98%).  Ang naitalang pagkamatay naman ay umabot na ng 52 (0.95%) at nasa 663 (12.07%) na lamang ang ating mga aktibong kaso ng COVID-19.

For the past week (October 7 to October 13), ang naitalang mga panibagong kaso ng COVID-19 ay umabot ng 442 out of 5,358 laboratory samples tested in the two (2) laboratories in the region (3,686samples were tested at the EVRCTC and 1,672 in the DWHVL). Ito ay mas mataas kumpara sa naunang week (September 30 to October 6) na mayroong 371 cases lamang out of 5,690 laboratory samples tested.

The total COVID-19 case of Region 8 as of October 13, 2020 are distributed to different provinces, cities and categories as follows:

Province/CityTotal CasesTotal Recoveries
Samar1,9221,675
Leyte1,7691,585
Tacloban City839776
Southern Leyte383303
Northern Samar285154
Ormoc City131128
Biliran108105
Eastern Samar5652
CategoryTotal CasesTotal Recoveries
Local Cases3,623 466 HCW2,979 441 HCW
Locally Stranded Individuals (LSIs)1,7741,705
Returning Overseas Filipinos (ROFs)9391
Balik Probinsya Program (BPP) Beneficiaries33

Sa kabuuang kaso ng COVID-19, 4,309 (78.45%) ay asymptomatic,  1,127 (20.52%) ay with mild symptoms, 30 (0.55%) ay severe cases at 27 (0.49%) ang nasa kritikal na kundisyon. Ang 321 (5.84%) dito ay hospitalized.

Samantala, for the past week, dalawa (2) naman ang nadagdag na namatay dahil sa COVID-19. Ang total COVID-19 deaths ng Region 8 ay umabot na ng 52 with a Case Fatality Rate of 0.95%. Ang dalawang (2) nadag-dag sa COVID-19 deaths ay sina:

EV CodeAge/GenderCity/MunicipalityDate of Death
EV-73065/FTarangnan, SamarAugust 12, 2020
EV-514277/MCatarman, Northern SamarOctober 12, 2020

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng mga naulila.

Ang Department of Health-Eastern Visayas, kasama ang mga local na pamahalaan ay patuloy na kumikilos at nagsasagawa ng aksyon ukol sa mga naitalang panibagong kaso lalo na sa mga lugar na patuloy ang paglubo ng kaso ng COVID-19 gaya ng Maasin, Calbayog, Catarman at Laoang.

Ang mga naiulat na mga kaso kagabi ay pawang mga local cases o close contacts ng mga naunang nagpositibo at isa sa mga binabantayan natin ngayon ay ang pagkaroon ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa isang closed space o local jail sa Laoang,  Northern Samar. Ang Provincial DOH Office in Northern Samar ay patuloy na nagbibigay ng technical assistance para mas mapa-igting ang Infection Prevention and Control in Jails, augmentation of UTMs at pagbibigay ng additional PPEs. Ang Region Surveillance Team naman ay magbibigay ng technical in contact tracing and specimen collection.

Sa ngayon, mataas na ang recovery rate natin. Ibig sabihin nito na sa kabuuang kaso ng mga nagkakasakit, karamihan sa kanila ay magaling na. Dapat maintindihan natin na ang sakit na COVID-19 ay hindi automatic death sentence. Madami ang nakakarecover sa sakit na ito given proper treatment, adequate support, and compliance with the minimum health standards.

Sa patuloy na pagpapatupad ng COVID-19 response, napapabilis natin ang pagkamit ng Universal Health Care (UHC) particular sa pangako ng batas na magkaroon ng isang primary care provider per family, beginning with ensuring that every household has an assigned BHERT-friend. Ang isa sa mga mahahalagang mandato ng UHC ay ang pagiging automatic member ng PhilHealth ng kahit sinong Pilipino. Ito ay upang masiguro na abot-kamay ng bawat mamamayan ang mga dekalidad na health services at benefits na nakapaloob sa UHC para sa lahat. Ang lahat ng ito ay maisasakatuparan natin sa patuloy na pagiimplement ng isang whole-of-government, whole-of-system, whole-of-society approach sa ating mga programa.

Kasabay ng pagpapatibay ng basic primacy care services ang pagsulong sa pagbabakuna at kahalagahan nito upang maprotektahan ang buhay ng bawat indibidwal. Sa kabila ng pandemya, ipagpapatuloy ng Department of Health ang Chikiting Ligtas, isang national na programang naghahatid ng libreng pagbabakuna sa mga bata laban sa measles, rubella, at polio. Sisimulan ang phase 1 sa ibat-ibang lugar sa October 28. Samantalang, ang Department of Health- Eastern Visayas ay kabilang sa phase 2 na magbibigay ng libreng pagbabakuna sa February 2021.

“Humihingi po kami ng inyong suporta para makamit natin ang adhikain na ito. Magtulungan po tayo para paigtingin ang Universal Health Care (UHC) at tuluyang mapuksa ang COVID-19,” apela ng DOH Regional Director Minerva Molon.

Dahil sa malaking epekto dala ng pandemyang ito sa global mental health, ang Department of Health ay nanawagan para sa isang unified response to improve mental health care in the country in observance of World Mental Health Day noong October 10 at ng National Mental Health Week, which is celebrated every second week of October. This year’s theme “Mental Health for All: Unifying Voices for Greater Investment and Access” seeks to drive the conversation on some of the challenges that mental health care system faces.

Ang pandemyang ito ay higit na naka-apekto sa kalusugan ng kaisipan ng mga matatanda, health care providers at mga taong may mga underlying conditions. Nagpukaw ito ng maraming reaksyon at emosyon mula sa mga tao. Maraming naapektuhan ang kanilang kabuhayan, ang iba naman ay nag-aalala tungkol sa pagpapanatiling ligtas sa kanilang pamilya. Maraming kadahilanan kung bakit kailangan nating mag-ingat. Pangalagaan natin ang ating mga sarili at sumuporta sa ating mga mahal sa buhay pagdating sa kalusugan pangka-isipan. Huwag mag-alinlangan humingi ng tulong kung nakakaramdam ng anxiety. I-share mo lang ang iyong nararamdaman. Kung kinakailangan, makipag-ugnayan sa mga mental health professionals o tumawag sa DOH EV CHD Helplines: Smart 0947 423 8423/ Globe 0966 531 6464. Ang helplines ay bukas mula Lunes hanggang Byernes, from 8:00AM to 5PM.

Sa pagpatuloy ng ating laban kontra COVID-19, meron tayong mga strategies tungkol sa Infection Prevention and Control measures. Isa na dito ang pagimplement ng “BIDA Bastonero” na naglalayon ng ating personal commitment sa pagbabago ng pag-uugali tungo sa New Normal sa pamamagitan ng pagbibigay-alam (informing), pagpapa-alala (reminding), pagtutuwid (correcting), at pagpapahalaga (appreciating) para masiguro ang pagpapasunod ng minimum public health standards. Ito din ay nagsisilbing support para mas mapa-igting ang pagpapatupad ng BIDA Solusyon campaign.

Sa panahon ng pandemya, BIDA ang may disiplina! Kaya always BIDA Solusyon sa COVID-19!