Tuloy ang Paskong Pinoy Campaign

Ngayong holiday season, patuloy ang pagpapatupad ng minimum public health standards upang masiguro ang ligtas na Pasko at Bagong Taon para sa lahat.

Ang ating campaign name para sa ligtas at malusog na pagdiriwang ngayong holiday season ay “Tuloy ang Paskong Pinoy”  na may tagline, “Basta’t nag-iingat, tuloy ang Paskong Pinoy.”

Kabilang sa kampanyang ito ay ang apat (4) na sub-campaigns. Isa na dito ang muling paglulunsad ng Iwas Paputok Campaign na taunang inilulunsad ng DOH upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa peligrong dala ng paputok.

Ipinagbabawal muna ngayong panahon ng pandemya ang pag-gamit ng torotot at pito (whistle) sa pagdiriwang ng bagong taon dahil nakapag-iemit  ito ng respiratory droplets na pwededeng pagmulan ng pagkahawa-hawa ng COVID-19.

Katuwang namin kayo sa pagpapanatili ng kaligtasan mula rito at sa pagsulong ng mga malilikhaing alternatibo ngayong darating na Bagong Taon tulad ng  pagkalampag ng kaldero, pag-alog ng alkansya, pagpapa-sounds ng malakas, pagbusina ng mga sasakyan at motor at iba pang merry making tools.

Itinataguyod din ng Iwas Paputok campaign ang kahandaan ng mga hospital sa pagtugon sa mga biktima ng paputok.

Iwasan ang paggamit ng paputok dahil hindi lang ito delikado sa katawan, nakakasama pa ito sa kapaligiran at kalusugan. Ipagdiwang nang masaya at ligtas ang holidays kasama ang buong pamilya.

Bahagi din ng kampanyang “Tuloy ang Paskong Pinoy”, ang sub-campaign na “Bida sa Pagdiriwang” na naka-focus sa pagpapatibay ng pagsunod ng minimum public health standards habang ipinagdiriwang ang holiday season sapamamagitan ng pag-practice ng BIDA Solusyon behaviours sa lahat ng aktibidad.

Kaakibat ng BIDA Solusyon sa COVID-19 Campaign, isinusulong ng DOH  ang “Keri o Skeri” Campaign upang higit na mapaigting ang pagsunod ng minimum public health standards sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko. Ito ay pagsa-alangalang kung ang mga aktibidad ay keri o malayo sa peligro ng COVID-19 at skeri o delikado sa banta ng COVID-19.

Para naman sa ating mga kababayang bumabyahe papunta sa kanilang mga trabaho o sa mga uuwi sa kani-kanilang mga probinsya, ating ipinapatupad and Seven (7) Commandments of Public Transport upang mapanatiling ligtas ang lahat sa banta ng COVID-19.

Ang mga Holiday Activities Risk Levels na maaaring isagawa ngayong kapaskuhan ay nakatala sa Department Circular 2020-0355 bilang paalala sa publiko ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaligtasan at magandang kalusugan, at para ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards.

Ang pangatlong subcampaign, ang “Healthy Handaan”, ay naglalayon na ang bawat Pilipino partikular na ang mga household heads ay maghahain lamang ng malusog at ligtas na pagkain para sa pamilya ngayong kapaskuhan.

Gumamit tayo ng mga healthy recipes at huwag kalimutan ang mga prutas at gulay sa ating handaan. Iwasan ang mga “skeri” na pagkain tulad ng maaalat, matataba at matatamis na pagkain na walang magandang maidudulot sa ating katawan. 

Ang huling bahagi ng kampanyang “Tuloy ang Paskong Pinoy”, ay ang sub-campaign na “Ligtas na Regalo” na pina-alalahanan tayong lahat na maging mapanuri at maingat sa tradisyon ng pagreregalo ngayong pasko. Isa-alang-alang natin ang tama at ligtas na regalo para sa ating mga mahal sa buhay.

Isang magandang regalo ngayong panahon ng pandemya ang facemasks na parating magpapa-alala sa makatatanggap nito ang palagiang pagsuot nito. Pwede din ang mga Do-It-Yourself (DIY) gifts tulad ng cards, arts, personalized face shield and mask. Hindi lang ito personal na regalo, nakaiwas kapa sa banta ng COVID-19 sa pagpunta ng mga matataong lugar tulad ng mga malls.

Pagkatapos ng lahat, ang isang malusog at ligtas na pagdiriwang ang pinakamagandang regalong maibibigay natin sa ating mga mahal sa buhay.

Basta’t nag-iingat, tuloy ang Paskong Pinoy at ang ating pag-angat!

MR-OPV Supplemental Immunization Campaign

Sa darating na Pebrero 2021, ang Department of Health ay magsasagawa ng Supplemental Immunization Activity (SIA), isang malawakang pagbabakuna para mapigilan ang banta ng measles outbreak/ pagkalat ng rubella (tigdas hangin) at masugpo ang kasalukuyang polio outbreak sa bansa.

Ang measles-rubella vaccine ay bakunang ibibigay sa mga batang may edad mula siyam (9) na buwan at di lalagpas ng limang (5) taon. Samantalang, ang polio vaccine naman ay bakuna para sa mga batang may edad na 0 month at di lalagpas ng limang (5) taon.  Ang mga ito ay dagdag sa mga mga bakunang ibinibigay sa mga bata bilang bahagi ng routine immunization.

Sa panahon ng pandemya ligtas ang pagbabakuna dahil mahigpit na ipatutupad ang infection prevention and control (IPC) protocols sa mga healthworkers at vaccination teams.

Ang pagbabakuna ay gagawin sa bahagi ng health center o vaccination post na may ventilation, frequently disinfected, may sapat na space para mapatupad ang physical distancing, at nakahiwalay ang magpapabakuna at nagpapagamot.

Para maiwasan ang pagdami ng tao sa center o vaccination post importante na isa lang sa mga magulang o tagapag-alaga ang magdadadala ng batang babakunahan at dapat ito’y nakasuot ng facemask at maghuhugas ng kamay bago at pagkatapos magpakuna.

Dalhin ang mga bata sa mga malapit na health center o mga itinalagang vaccination post sa inyong lugar para mabakunahan ang mga bata, kumpleto man o hindi ang kanilang bakuna.

COVID-19 Cases Update

Sa pinakabagong update ng Department of Health, 156 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Eastern Visayas as of December 16, 2020.

Sa pangkabuuan, umabot na sa 9,724 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon at umabot naman sa 8,943 (91.97%) ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Umabot na rin sa bilang na 109 (1.12%) ang bilang ng namatay sa rehiyon dahil sa COVID-19. At ang bilang ng active cases ngayon ay nasa 672 (6.91%) pa.

Sa ngayon, patuloy ang pagtaas ng ating mga kaso dito sa ating Rehiyon at posibleng magkaroon ng surge of cases pagkatapos ng holidays kung hindi tayo mag-iingat. Kaya, patuloy ang panawagan ng ahensya sa publiko na umiwas sa mga aktibidad na may higher risks of COVID-19 transmission, katulad ng karaoke, which is usually a Filipino activity during celebrations. Instead, the DOH urges Filipino families to celebrate Christmas meaningfully by spending more time with your families.

Basta’t nag-iingat tuloy ang Paskong Pinoy! Magtulungan tayo para makamit ang isang masagana, ligtas, at #HealthyPilipinas!